Ang aking espesyal na araw ay natapat sa huling araw ng unang semestre kaya naman ako pati na ang buong seksyon ay tuwang- tuwa. Masaya, tuwang- tuwa dahil wala na kaming iintindihin na mga gawain. Ang tanging nasa isip ko lang nung araw na iyon ay ang aking kaarawan at ang sembreak.
Ipinagdiwang ko ang aking kaarawan kasama ang aking mga kaibigan at kaklase. Ako ay lubos na natuwa at nagpasalamat dahil marami pa rin ang nakaalala sa petsang iyon at ako'y batiin. Bilang pasasalamat ko sa aking mga kaibigan, ako ay nangako na ililbre ko sila pagdating ng aking kaaawan. Magkakasama kaming kumain sa Paborito, sikat na ihaw- ihaw sa Malolos. At bago matapos ang araw, kaming lahat ay busog na busog sa aming mga kinain.

Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito at ang mga sumunod pa. Bukod sa mga positibong bagay na natanggap ko meron din akong kinaharap na di ko akalain na mangyayari sa akin. Ito na ata ang pinakakakaiba at nakakatakot na regalo na natanggap ko. Kung anong siyang kakulitan ko makalipas ang ilang oras siyang kabaligtaran nang kinikinilos sa nagdaan pang mga oras. Kinagabihan, nakaramdam na ako ng panglalata at medyo giniginaw din ako na para bang magkakalagnat. Kinabukasan, nagkatotoo nga ang aking hinala na magkakasakit ako. Hindi maiwasan ng aking ina, 'mama' kung tawagin ko sya, na mag- alala sapagkat laganap ng dengue ng mga panahong iyon..
Nagdaan ang isa pang araw, napansin naman ni mama na namumutok ang labi ko. Nag- alala na talaga siya at nagpacheck up na ko sa ospital na katapat lang ng bahay. At ng lumabas ang resulta ng check- up, ayun, nag'positive' nga ako sa dengue. Nabigla talaga ako at natakot nung mga orsa na yon. At hanggang ngayon, ako'y napapaisip pa rin ako kung saang lugar ba ko nagpupupunta at nedengue ako. Buti na lang na nalaman na agad na may dengue pala ko bago pa ito lumalala. Sa halip na sa ospital, mas pinili ko at ng aking mama na sa bahay na lang ako manatili at doon i'confine' para makabawas din sa gastos. Ito ang unang pagkakataon na ako ay lalagyan ng swero. At ngayong naranasan ko na, medyo masakit nga ito.
Mabuti na lamang at wala ng klase nang ako'y magkasakit kaya laking pasasalamat ko talaga. At ang isa pa sa lubos kong pinagpapaslamat ko ay libre ang pagkonsulta sa akin mula sa pagkuha sa akin ng dugo at iba pa. Mabuti at di na nahirapan sina mama at papa sa mga gastusin. Tanging gamot na lang ang binibili nila para sa akin.
Halos isang linggo din ako sa loob ng bahay. Nakahiga, nanonood ng telebisyon, sobrang nanglalata, natutulog at dahil wala din ako panglasa wala rin akong ganang kumain. Maya't maya pa ay kinukuhanan ako ng dugo. Nang magtagal na, ay hindi ko na iniinda ang sakit ng karayom tuwing ako'y kinukuhanan upang mamonitor ang bilang ng aking 'platelet'. Gabi gabi ay ipinagdarasal ko na gumaling na ko at na ayoko ng maulit pa ang sakit na ito. Ganito lang ang aking lagay sa loob ng isang linggo.
Eto na, eto na talaga ang araw na pinakahihintay ko! Tumaas na rin ang aking platelets at aalisin na rin ang aking swero, tanda na gumaling na ko sa katakot- takot na dengue. Masayang masaya ako at malaya na naman ako. Makakabangon na ako sa kamang hinigaan ko sa loob ng isang linggo. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos at di na lumalala pa ang sakit ko. Iyon din siguro ang isang regalo na natanggap ko kahit tapos na ang aking kaarawan. Isang kakaibang regalo sa ordinaryong kaarawan na tunay na saya ang dulot sa akin.