Lunes, Enero 2, 2012

Job

Job is a true follower of God. He is a righteous man and he always stands for what he believes. He was blessed with almost everything in life. He has a loving and faithful wife. He has obedient children.  Job lived his whole life serving God whole- heartedly.  Because Job lives his life with the guidance of God, Satan tried to test him for three times. One of his sons died. Their fields went into a drought. Satan did all of these to test Job's fear to God. But in the end, Satan, the darkness didn't win. Job survived all the hardships that Satan gave him and he still remained as a true follower of God.

The life of Job is full of obstacles but it is a meaningful one. Every people who knows his/ her life with his story. It is a story where one can learn so many things and lessons in life. This story can help the people who has lack of trust in God.

The play was good over all. The story was delivered the way it has to be. The characters down from the set and props were well prepared. The characters also portrayed their roles very well. The one who portrayed as Job acted with soul as if he is the real Job. another is the one who portrayed Satan, he is definitely the thorn in his life. The laughter of Satan, is really scary and quite irritating. These means that both of them are effective as an actors. There were just some inconsistencies with the sound effects but it did not hinder the actors and actresses to perform well in the whole duration of the play.

Huwebes, Disyembre 29, 2011

Di Inaasahang Regalo

Dumaan nang tuluy- tuloy ang mga segundo, oras, linggo, buwan, at taon.  Napakatulin talaga ng oras, wala ngang makapipigil sa pagtakbo nito.  Heto, sumapit na naman ang isa sa mga pinakahihintay at pinaka pinaghahandaan ko na araw, ang aking kaarawan ngayong 2011. Sabi nga ng mga matatanda, 'legal na' sapagkat ako'y labing walong taong gulang na.


Ang aking espesyal na araw ay natapat sa huling araw ng unang semestre kaya naman ako pati na ang buong seksyon ay tuwang- tuwa. Masaya, tuwang- tuwa dahil wala na kaming iintindihin na mga gawain. Ang tanging nasa isip ko lang nung araw na iyon ay ang aking kaarawan at ang sembreak.


Ipinagdiwang ko ang aking kaarawan kasama ang aking mga kaibigan at kaklase. Ako ay lubos na natuwa at nagpasalamat dahil  marami pa rin ang nakaalala sa petsang iyon at ako'y batiin. Bilang pasasalamat ko sa aking mga kaibigan, ako ay nangako na ililbre ko sila pagdating ng aking kaaawan. Magkakasama kaming kumain sa Paborito, sikat na ihaw- ihaw sa Malolos. At bago matapos ang araw, kaming lahat ay busog na busog sa aming mga kinain.



Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito at ang mga sumunod pa. Bukod sa mga positibong bagay na natanggap ko meron din akong kinaharap na di ko akalain na mangyayari sa akin. Ito na ata ang pinakakakaiba at nakakatakot na regalo na natanggap ko. Kung anong siyang kakulitan ko makalipas ang ilang oras siyang kabaligtaran nang kinikinilos sa nagdaan pang mga oras. Kinagabihan, nakaramdam na ako ng panglalata at medyo giniginaw din ako na para bang magkakalagnat. Kinabukasan, nagkatotoo nga ang aking hinala na  magkakasakit ako. Hindi maiwasan ng aking ina, 'mama' kung tawagin ko sya, na mag- alala sapagkat laganap ng dengue ng mga panahong iyon..



Nagdaan ang isa pang araw, napansin naman ni mama na namumutok ang labi ko. Nag- alala na talaga siya at nagpacheck up na ko sa ospital na katapat lang ng  bahay. At ng lumabas ang resulta ng check- up, ayun, nag'positive' nga ako sa dengue. Nabigla talaga ako at natakot nung mga orsa na yon. At hanggang ngayon, ako'y napapaisip pa rin ako kung saang lugar ba ko nagpupupunta at nedengue ako.  Buti na lang na nalaman na agad na may dengue pala ko bago pa ito lumalala. Sa halip na sa ospital, mas pinili ko at ng aking mama na sa bahay na lang ako manatili at doon i'confine' para makabawas din sa gastos. Ito ang unang pagkakataon na ako ay lalagyan ng swero. At ngayong naranasan ko na, medyo masakit nga ito. 


Mabuti na lamang at wala ng klase nang ako'y magkasakit kaya laking pasasalamat ko talaga. At ang isa pa sa lubos kong pinagpapaslamat ko ay libre ang pagkonsulta sa akin mula sa pagkuha sa akin ng dugo at iba pa. Mabuti at di na nahirapan sina mama at papa sa mga gastusin. Tanging gamot na lang ang binibili nila para sa akin.


Halos isang linggo din ako sa loob ng bahay. Nakahiga, nanonood ng telebisyon, sobrang nanglalata, natutulog at dahil wala din ako panglasa wala rin akong ganang kumain. Maya't maya pa ay kinukuhanan ako ng dugo. Nang magtagal na, ay hindi ko na iniinda ang sakit ng karayom tuwing ako'y kinukuhanan upang mamonitor ang bilang ng aking 'platelet'. Gabi gabi ay ipinagdarasal ko na gumaling na ko at na ayoko ng maulit pa ang sakit na ito. Ganito lang ang aking lagay sa loob ng isang linggo.


Eto na, eto na talaga ang araw na pinakahihintay ko! Tumaas na rin ang aking platelets at aalisin na rin ang aking swero, tanda na gumaling na ko sa katakot- takot na dengue. Masayang masaya ako at malaya na naman ako. Makakabangon na ako sa kamang hinigaan ko sa loob ng isang linggo. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos at di na lumalala pa ang sakit ko. Iyon din siguro ang isang regalo na natanggap ko kahit tapos na ang aking kaarawan. Isang kakaibang regalo sa ordinaryong kaarawan na tunay na saya ang dulot sa akin.

Martes, Disyembre 27, 2011

Paskong Twenti Eleben

Malamig na naman ang simoy ng hangin. Ilang araw na lang at ang Pasko ay sasapit na. 


Isa ang Pasko sa pinakamahalaga at pinakamasayang okasyon ng taon. Isang okasyon kung saan abalang- abala ang lahat sa paghahanda ng napakaraming bagay. Sa di mabilang  na kadahilanan, ako'y bumabalik sa pagkabata sapagkat ito ay isa sa mga pinakahihintay kong araw.


Kung kailan malapit na ang araw na ito, at saka naman naganap ang kalunus- lunos na sakuna sa Mindanao partikular na sa Cagayan De Oro at Iligan dulot ng bagyong Sendong na kumitil sa mahigit isang libong buhay. Napakasakit isipin na habang ako'y nagdiriwang ng kapaskuhan ay napakadami namang tao ang nagdurusa dahil sa trahedyang iniwan ng bagyo. Sa kabila nito, tunay pa kayang magiging buhay ang pagdiriwang ko ng Pasko?


Sa likod ng mga makikinang na 'christmas lights', mumunting tinig ng mga nagkakaroling, at ang nakapanggigising na tunog ng kampana ay may natatago pa ring lungkot sa akin. Masaya nga dapat ang aking Pasko ngunit mas magiging masaya ito kung kasama ko at ng buong pamilya ang aming lola na pumanaw na. Palagi pa rin siyang pumapasok sa aking isipan at nakaka'miss' talaga siya. Iba pa rin talaga ang presensya ng isang lola. Isang lola na palaging nakaantabay at handang sumuporta. Isang lola na maaari mong mahingan ng payo sa mga bagay bagay. Siya na lang kasi ang natitira kong lola kaya napakasakit talagang tanggapin na wala na siya.  Ako ay nalulungkot at hindi na namin siya makakasama sa araw na ito at sa susunod pang kapaskuhan. Sa kabilang dako, hindi rin pala ako dapat malungkot dahil siya ay payapa na at kasama niyang nagdiriwang ng kapaskuhan sa taas ang Panginoon nating lumikha.


Masaya, malungkot, kalunus- lunos, napakaraming salita ang pwedeng ilarawan sa Paskong twenti eleben. Bukod sa mga ito, may inis din akong nadama noong araw na iyon. Nakaugalian na namin ng aking ina, ng aking 'mama' na mamasyal tuwing Pasko. Ngunit ngayon, pagkatapos magsimba at bumisita sa puntod ng aking lola ay diretso na agad kami sa bahay. Hindi man lang nagasgasan at nagtagal sa aking katawan ang aking bagong kasuotan. Nainis pa akong lalo sapagkat  may nagdatingan pa na bisita sa bahay. Lalo na kaming hindi matutuloy sa pamamasyal. Ang isa pang kinaiinis ko ay plano talaga dapat naming mamasyal, hindi ko alam kung bakit hindi kami natuloy. Hindi ko malaman kung ayaw ba talaga nila o tinatamad lang sila?  Simpleng pamamasayal lang naman ang gusto ko, ang magpunta sa mall at may mabili para sa sarili ko bilang regalo. Mahilig kasi ako sa mga damit, kapag may nakita akong maganda at bagay sa akin, gusto ko na itong bilin agad. Kung wala man akong napili at nabili, masaya pa rin ako at ako'y nakapamasyal.  Lubos talaga akong nainis at hanggang sa matapos ang araw ay nasa bahay lang ako kasama ang pamilya. Wala na kong nagawa kundi ang kumanta na lang sa videoke.


Sa positibong banda, napagtanto ko sa huli na hindi lang ang pamamasyal sa mall ang kailangan ko bilang regalo o para ako'y maging masaya ngayong Pasko. Kung hindi man matuloy ngayon, maaaring sa ibang araw ay makapamasyal na din kami. Napagtanto ko din na isa sa pinakamagandang regalo na dapat kong ipagpasalamat ay ang kasama ko ang aking mga magulang at ang buong pamilya. Hindi magiging makabuluhan ang Pasko ko kung wala ang mga taong ito sa aking buhay. At kahit wala sa aming piling ang aming lola ay mananatili pa rin namin siyang kasama sa puso at isipan. 


Wala sa mga materyal na bagay ang tunay na diwa ng Pasko. Hindi ito tungkol sa dami ng iyong perang napamaskuhan o sa ganda ng iyong kasuotan sa halip ito'y tungkol sa dami ng taong nabahagian mo sa iyong simpleng pamamaraan. At wala pa ring tatalo sa apat na salita na siyang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa Pasko- pagbibigayan, pagpapatawad, pagmamahalan, at takot sa Diyos.

Lunes, Disyembre 26, 2011

Ikaw Ay Babae (Babae- Inang Laya)

Ang mga babae ay may kanya- kanyang kapasidad, kakayahan, at kinalalagayan dito sa ating lipunan. Marami ang babae dito sa mundo. Iisa ang kasarian ngunit iba- iba ang mga katangian.


Ang awiting pinamagatang Babae ni Inang Laya ay isang awiting nakapupukaw ng isipan at damdamin lalung lalo na sa mga babae sa ating lipunan. Isinisiwalat nito ang katotohanan ukol sa katayuan at papel ng kababaihan ng nakaraan at bagong henerasyon. Sa kabilang banda, mamumulat ka din sa mga pagkakaiba ng mga kababaihan, noon at ngayon.


Sa unang bahagi ng kanta, ipinakita ang mga negatibo- mga kahinaan at masasabi ko na ring mga kapintasan  ng kababaihan. Napag-isip isip ko na totoo nga ang mga ito, na nangyayari nga ito sa totoong buhay. "Kayo nga ba ang mga Nena na hanapbuhay ang pagpuputa?" Ito ay isa sa mga linyang pinakatumatak sa aking isipan dahil ito ay isang realidad. Kagaya ng mga napapanood ko sa balita, nagkalat ang mga bars kung saan babae ang ''menu" at tinatawag na mga GRO. Dito pumapasok ang prostistusyon na talaga namang laganap na dito sa bansa. Ano na lamang ang iisipin ng susunod na mga henerasyon kung sila ang magsisilbing gabay?  Magiging magkapareho kaya sila ng mga kapalaran? Nakakalungkot isipin na may mga ganitong babae na katawan ang pinupuhunan para mabuhay samantalang nagkalat naman ang maramimg disente't marangal na trabaho.


Sa pangalawang bahagi naman ng kanta, ipinakita dito ang mga positibong bagay tungkol sa kababaihan. Nagbigay ng konkretong halimbawa ang kanta katulad nila Tandang Sora at Gabriela Silang na natutong lumaban sa pang- aapi ng mga Kastila. Ipinapakita nito ang imahe ng isang babae na palaban sa mga pagsubok na dapat naman talagang isabuhay nila sa panahon ngayon. Dapat ay ipinagalalaban nila ang bawat karapatan nila sa lipunang kanilang ginagalawan. Sa pamamagitan nito, mahihikayat nila ang iba na tumayo sa kanilang sariling mga paa at taas noo na ipagmalaki na sila ay tunay na mga babae. Mga babae na handang ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan.


Pagkatapos kong pakinggan ang kantang ito, maraming imahe at katanungan ang naglaro sa aking isipan. Ano nga ba ang isang tunay na babae? Sila ba yung tipong magaganda at mahihinhin ngunit nasa loob naman ang kulo? O sila ba yung tipong magagaslaw at maaarte ngunit totoo naman sa kanilang mga kinikilos? Ako'y nalilito na sa kung ano nga ba ang tunay na paglalarawan sa isang tunay na babae.  Hindi ko tuloy maiwasan na maihambing ang mga napapanuod kong balita tungkol sa mga babae na malaki ang kaugnayan sa kantang ito. Hindi bumaba ang tingin ko sa mga kababaihan pagkatapos pakinggan ang kantang ito dahil hindi naman pare- pareho ang lahat ng babae dito sa mundo. Hindi dapat sila ginagawang libangan na isang kasalanan na maituturing. Ang nararapat na ibigay sa isang babae ay respeto.


Sa mapanghusgang lipunan na ating kinalalagyan, maganda na mapakinggan ng lahat ng kababaihan, maging ang mga kalalakihan ang awiting ito nang sa gayon ay mamulat ang kanilang mga isipan sa katotohanan na hindi dapat iniiwasan. Hindi layon ng awiting ito na ibaba ang moral ng mga babae sa halip, layon nitong himukin sila na maging matapang at matutong lumaban sa mga pagsubok ng buhay. At nawa'y sa pamamagitan ng awiting ito ay maging isa ang lahat ng kababaihan sa pagbuo ng isang mithiin, ang lumaya.